Rapist-killer ni Realyn sumuko na
February 12, 2002 | 12:00am
Sumuko kahapon ang suspect na umanoy responsable sa panggagahasa at pagpatay sa apat-na-taong gulang na batang babae matapos itong mawala sa Taguig at matagpuan sa Laguna.
Kinilala ni Taguig Mayor Sigfried Tinga ang suspect na si Edwin Adriano, 27, ng #70 Road 1, North Daang Hari, Brgy. Bagong Bayan, Taguig.
Sa salaysay ni Adriano kay Tinga nang isuko ito ng kanyang ama at kapatid na sina Eduardo, 57; at Carol, 32, sa tanggapan ng alkalde na labis umanong binabagabag ang suspect ng kanyang budhi.
Inamin nito na isinama niya sa Sta. Rosa, Laguna kung saan minolestya at pinatay ang biktimang si Realyn Villareal.
Sa kabila nito, hihingi pa rin ng tulong ang mga kaanak ni Villareal kay Sen. Loren Legarda, ayon kay PO3 Charlie Rillon.
Nabatid na ang nasabing biktima ay nawala noong Enero 27 habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay sa Zone 19, Road 2, North Daang Hari, Brgy. Bagong Bayan, Taguig.
Natagpuan ang bangkay nitong may saksak sa ari at ulo noong Enero 29, dakong alas-6:30 ng umaga sa abandonadong gusali sa Brgy. Tagapo, Sta. Rosa, Laguna.
Ayon sa pulisya, isang ocular inspection ang kanilang isinagawa sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng paslit. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended