Namemeke ng diploma, arestado sa droga
February 11, 2002 | 12:00am
Dalawang lalaking dating kilabot sa pamemeke ng diploma ang umiba ng hanapbuhay at nagtulak na lamang ng droga ang nadakip ng pulisya kahapon sa Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ni P/Supt. Ernesto Ibay, Western Police District-Special Operation Group (WPD-SOG) ang dalawang nadakip na sina Jonathan Bautista, 51, may asawa at Rodolfo Lingit, 50, pawang residente ng Claro M. Recto at Quezon Blvd., Sta. Cruz.
Ang mga suspect ay nadakip sa buy bust operation na pinangungunahan ni SPO4 Cesar Teneros, team leader ng SOG, dakong alas-2:30 ng hapon sa harapan ng Isetann Department Store sa nasabing lugar.
Sinabi ng pulisya, na nakatanggap sila ng impormasyon sa pagbebenta ng shabu ng mga suspect sa harapan ng nabanggit na department store.
Kaagad na bumuo ng isang grupo ng pulis si Teneros upang painan ng bitag na isang posuer buyer na pulis ang mga drug pusher na suspect.
Nakumpiska ng pulisya ang may limang gramo ng shabu at dalawang balisong.
Base sa rekord ng pulisya, dati nang nakulong si Bautista sa kasong pamemeke ng diploma sa Claro M. Recto Avenue at dahil sa nabuwag ng pulisya ang sindikato ay nag-iba ito ng hanapbuhay na ilegal pa rin para may maipakain sa pamilya. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest