P3.5M nalimas sa stock broker
February 11, 2002 | 12:00am
Isang negosyante ang natangayan ng P3.5 million matapos na tutukan ng baril at holdapin ng apat na hindi nakilalang kalalakihan kamakalawa sa Makati City.
Kinilala ni P/Supt. Jovy Gutierrez, hepe ng Makati City Police ang biktima na si Manuel Galang, 45-anyos, negosyante, at broker, residente ng No. 366 Coral Street, Tondo Manila.
Sa salaysay, nag-aabang ang biktima ng masasakyang taxi dakong alas-5 ng hapon kamakalawa sa Salcedo St. panulukan ng Dela Rosa St. nang tutukan ng apat na armadong kalalakihan at ipinagtulakan pasakay sa isang kotse.
Nauna rito, sinabi ng biktima na pinaamoy siya ng pampahilo at nawalan siya ng malay. Nang magbalik ang kanyang ulirat ay napansin nito na nasa Valenzuela City na siya.
Idinagdag pa nito na nais aniya siyang patayin ng isa sa mga suspect ngunit naawa ang tatlo matapos na siya ay magmakaawa kaya hinulog na lamang siya sa abandonadong lugar sa Valenzuela.
May hinala ang biktima na natiktikan siya ng mga suspect matapos bumili ng stocks sa kanya ang 35-katao na nagkakahalaga ng P100,000 bawat isa na umabot sa P3.5 million.
Nakatakdang magpalabas ng cartographic sketch ang pulisya para sa pagkakakilanlan sa mga suspects. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended