^

Metro

Starex ni Malonzo binagsakan ng adobe ng lasenggero

-
Bunsod ng dating alitan, di pinatawad ng isang lalaki na lango sa alak ang mamahaling Starex van ni Caloocan City Mayor Rey Malonzo nang bagsakan nito ng malaking tipak na bato ang sasakyan kahapon ng madaling-araw.

Sa impormasyon na nakalap kay Caloocan City Police Sub-station 1 Commander Supt. Bonifacio Noval, nagalit at nagwala ang suspect na kinilalang si Norberto Lora, 48, jobless ng 49 Zapote St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Nakitang nakaparada at nakaharang sa harapan ng bahay ng suspect ang sasakyan ni Malonzo na minamaneho ng kaanak na matagal ng kaalitan.

Nagmura ang suspect at kumuha ng isang malaking bato at inihampas sa likurang bahagi ng Starex van.

Hindi nagawang maawat ng driver ni Malonzo na si Romeo Lora, 40 ang nagwawalang suspect kaya’t tumawag ito ng pulis at ipinaaresto ang suspect.

Napag-alaman na dati ng may namumuong alitan sa pagitan ng suspect at driver ni Malonzo at ang napagbuntunan ng galit nito ay ang sasakyan ng alkalde. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BAGONG BARRIO

BONIFACIO NOVAL

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR REY MALONZO

CALOOCAN CITY POLICE SUB

COMMANDER SUPT

MALONZO

NORBERTO LORA

ROMEO LORA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with