Kaagad na namatay sa lugar ng pinangyarihan dahil sa tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Jeffrey Antonio ng 212 P. dela Cruz St., San Bartolome, Novaliches, Quezon City.
Samantala ang mga suspect na sina Teody Dominisa,23,binata at Arnold Castro kapwa residente ng Blk.1 Letre Road, Tonsuya, Malabon ay mabilis namang naaresto ng mga nagmalasakit na mamamayan.
Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-5 ng hapon nang harangin ng mga suspect ang minamanehong Isuzu six-wheeler truck ng biktima sa kahabaan ng Moises St., Cielito Homes, Zabarte road.
Tinutukan ang biktima ng balisong ng mga suspect at hinihingi ang nakolekta nilang P3,220, subalit ayaw ibigay at sa halip ay nanlaban ito na naging dahilan para ito ay pagtulungang saksakin.
Ilang mga bystanders at barangay tanod ang nakakita sa pangyayari na siyang humabol sa mga suspect hanggang ito ay makorner. (Ulat ni Gemma Amargo)