Klinika nilooban; P 1M natangay
February 10, 2002 | 12:00am
Dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 29-anyos na doktor makaraang looban ng apat na di-kilalang armadong lalaki ang klinika nito at tinangay ang salapi na umaabot sa P1 milyon sa Malate, Maynila, kamakalawa.
Kinilala ni Western Police District-Theft and Robbery Section chief C/Insp. Jimmy Tiu ang biktimang si Kelly Sy, binata, ng Nueva St., Binondo.
Batay sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon ay kasalukuyang abala sa pag-aasikaso ang biktima sa kanyang mga pasyente nang biglang pumasok ang mga suspect sa kanyang klinika na nasa Rm. 414 L.G. Bldg. sa 1365 Leon Guinto St., Malate.
Inatasan ng isa sa mga suspect ang empleyada ni Sy na ibigay sa kanila ang lahat ng pera sa drawer pati na ang ilang pirasong alahas ng biktima na umaabot sa P925,000.
Nabatid na nagtangkang manlaban ng security guard ngunit agad na pinalo ito ng baril sa ulo at nawalan ng ulirat.
Napag-alaman din na maging ang mga pasyente ni Sy ay hindi rin pinaligtas ng mga suspect at tinangay din ang kanilang mga pera at cellphone. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest