Chinese trader, dinukot sa Binondo
February 10, 2002 | 12:00am
Pinaniniwalaang dinukot ng may limang armadong lalaki ang isang Chinese national habang patungo ito sa kanyang opisina kahapon sa Binondo, Maynila.
Ang banyagang biktima ay nakilalang si Wang Hui Huang, isang negosyante sa Binondo.
Sa salaysay ng pulisya ng kaibigan ng biktima na nakilalang si Pio Vergara Chua, 52, ng Samat St., Banaue, Quezon City, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa kanto ng San Vicente at Marquina Sts. sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Chua, tumawag sa kanyang cellphone si Huang upang sabihin na patungo na ito sa kanyang opisina ngunit sa di niya malamang dahilan ay biglang naputol ang kanilang pag-uusap.
Sinabi ni Chua na nang muli niyang tawagan ang biktima ay may narinig siyang nagkakagulo na may indikasyon na mayroong nagaganap na komosyon sa loob ng sasakyan.
Napag-alaman naman sa isang testigo na si Lorrie Cheng, isang messenger at suki ni Huang na nakita niya ang buong pangyayari nang tutukan ng baril ang biktima at sapilitang ipasok sa isang Honda Civic na hindi niya nakuha ang plaka.
Sinabi pa ni Cheng na pumipiglas si Huang habang pilit na isinasakay ng mga suspect sa kanilang sasakyan at nakita niyang nalaglag ang pitaka nito sa kalye.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng pulisya kung ito ay dinukot o inaaresto dahil napag-alaman na mayroon itong nakabimbing kaso sa korte. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended