Hinihinalang nagpakamatay dahil sa sama ng loob ang biktima na kinilalang si San Pascual alyas Sani binata, residente ng 1548-C G. Tuazon St., Sampaloc.
Sa ulat ni Det. Athos de Quiros, may hawak ng kaso ng Western Police District-Homicide Section, bandang alas-10 ng umaga nang matagpuan ng kanyang ina ang nakabiting biktima gamit ang isang nylong cord mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Nauna rito, nakitang nakikipagtalo sa hindi pa malamang dahilan ang biktima sa kanyang bayaw na si Willy Villar, kilalang tulak sa kanilang lugar.
Matapos umano ito ay agad na nagtungo ang biktima sa kanyang kuwarto at hindi na lumabas.
Nang tawagin ng ina ang biktima upang kumain ay hindi sumagot ang huli na labis na ipinagtaka nito, kayat pinuntahan sa kuwarto ang anak at tumambad dito ang nakabigting katawan. (Ulat ni Ellen Fernando)