Kampanya ni 'SB' kontra left over at panis na pagkain
February 8, 2002 | 12:00am
Makaraan ang pagkamatay ng isang tatlong taong gulang na bata at pagkalason ng 29 pang katao, ipinasya ng Quezon City government ang paglulunsad ng education campaign upang maiwasang makakain ng bulok at tira-tirang pagkain na makikita sa mga establisimento at lugar ng lungsod.
Itoy matapos na iutos ni QC Mayor Feliciano SB Belmonte Jr. kay Dr. Ma Paz Ugalde, chief ng City Health Department na magsagawa ng inspection sa ibat ibang lugar partikular na sa squatters area sa QC upang hindi na maulit pa ang food poisoning na naganap kamakalawa ng umaga sa Payatas at Bagong Silangan.
Ayon kay Ugalde, inutos ni Belmonte ang pagpapadala ng mga health workers at staff na magtuturo sa mga residente ng mga depressed area upang maiwasang kainin ang mga bulok at tirang pagkain.
Sa naturang educational campaign, hihikayatin ng QC government ang mga residente na hindi dapat na kinakain ang mga bulok at tirang pagkain mula sa basurahan bunga na rin ng posibilidad na maging dahilan ng kanilang kamatayan.
Matatandaan na ito ang siyang naging dahilan ng pagkamatay ni Lyka Oblino, matapos na makakain ng longganisa.
Lumilitaw sa isinagawang sanitary inspection na kadalasang nanggaling sa basura ang pagkain na kinakain ng mga pamilya sa Payatas at Bagong Silangan.
Nabatid na mayroon ding grupong "pagpag" sa lugar na siyang responsible sa pagkuha ng mga tirang pagkain na itinatapon naman ng mga fast food chain. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended