Bibili ng pirated VCDs, kulong
February 8, 2002 | 12:00am
Malaking multa at pagkakulong ng ilang araw ang sasapitin ng sinumang mahuhuling bibili ng mga pirated VCD sa bayan ng San Juan sa oras na maaprubahan ang isang ordinansa na naglalayong pigilan ang iligal na bentahan na pumapatay sa industriya ng pelikula at musika sa bansa.
Sa isang draft ordinance na ginawa ni Councilor Rowena Marcelo-Macalintal, chairman ng committee on youth affairs, ang sinumang residente at mga dayo sa San Juan na mahuhuling bumibili ng mga pirated VCD ay papatawan ng mabibigat na multa at posibleng mauwi sa pagkakulong.
Kilala ang San Juan sa piracy capital of the Philippines na talamak na bagsakan ng mga pirated VCD, CDs, DVDs at computer softwares at iba pang dry goods, partikular na sa Greenhills Shopping Complex at sa Agora Mall na dinarayo pa ng mga taga-karatig lungsod at bayan.
Ang sinumang mahuhuli sa unang pagkakataon ay papatawan ng multang P500 at bibigyan ng warning. Mas malaking multa na P1,500 at community service ng limang araw ang magiging kaparusahan ng isang violator sa ikalawang paglabag nito habang aabot naman sa P2,500 at pitong araw na pagkakulong sa ikatlong pagkahuli.
Binuo ni Macalintal ang naturang ordinansa matapos ang sunud-sunod na raid na isinagawa ng mga tauhan ng Videogram Regulatory Board (VRB) at ng lokal na pulisya sa Greenhills Shopping Complex at sa Agora Mall kung saan libu-libong pirated VCD at CD ang nakumpiska.(Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest