13 sako ng pirated VCD nasamsam sa 2 malls
February 7, 2002 | 12:00am
Pinaigting pa ng Videogram Regulatory Board (VRB) ang kampanya laban sa pirated video compact discs (vcds) makaraang magsagawa ng mga pagsalakay sa dalawang shopping mall at nasamsam ang may 13 sako ng mga piniratang vcds kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.
Pinangunahan ni P/Sr. Insp. Feliciano Anado, pinuno ng VRB at mga elemento ng Mandaluyong police ang raid sa Market place mall sa may Gen. Kalentong st., at sa Star Mall (dating Manuela) sa may Shaw Boulevard ng lunsod na ito.Inaresto rin ang mga tindero at tindera nito. Nakatakdang kasuhan ang mga nadakip ng paglabag sa anti-Piracy Law.
Ibinibenta naman ng mga ito sa mga may-ari ng mga stall ang naturang mga vcd at cd sa napakamurang P10-P15 bawat isa na pinapatubuan ng malaki ng mga tindero.
Inireklamo rin ng VRB ang kakulangan nila sa pondo at tauhan upang lalong mapaigting ang kampanya laban sa pamimirata na pumapatay sa industriya ng pelikula at musika sa bansa. Hinihinala rin na ang naturang underground na pamimirata ang nagpopondo sa lokal na terorismo sa bansa. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended