1 patay sa duwelo ng sekyu
February 7, 2002 | 12:00am
Isang security guard ang nabaril at napatay ng kapwa nito sekyu makaraang magduwelo sa harapan ng gate na kanilang binabantayan sa Quezon City kahapon ng umaga.
Agad na namatay ang biktimang si Joel Calma, nasa hustong gulang ng Sure Shock Security Agency at nakatalaga sa gate ng Mapayapa 1 Village, Brgy. Holy Spirit sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib.
Habang pinaghahanap pa ng pulisya ang nakaduwelo nitong si Jerry Andrade na nakabaril at nakapatay sa biktima.
Naganap ang insidente dakong alas-8:33 ng umaga sa binabantayan nilang subdibisyon.
Sa imbestigasyon, nakita ang dalawang security guards na nagtatalo sa hindi pa malamang dahilan sa nasabing gate ng subdibisyon.
Nang magkainitan, naghamon ng duwelo si Calma ngunit mas mabilis si Andrade. Bumulagtang duguan ang biktima makaraan ng ilang putukan. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest