^

Metro

Pulis libreng sumakay sa LRT/MRT

-
Libre ng sumakay ang lahat ng miyembro ng pulisya ngayon sa Light Rail Transit (LRT) at sa Metro Rail Transit (MRT) kung naka-uniporme ang mga ito bilang bahagi ng kasunduan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Department of Transportation and Communications (DOTC) sa pagbibigay ng seguridad sa train sector sa Metro Manila.

Pinirmahan kahapon nina NCRPO director Edgardo Aglipay, Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Teodoro Cruz at Metro Rail Transit Authority (MRTA) General Manager Mario Miranda ang isang Memorandum of Agreement (MOA) ukol sa pagbibigay ng seguridad ng pulisya sa bawat tren.

Nakasaad sa naturang kasunduan na magtatalaga ang NCRPO ng anim na unipormadong tauhan ng pulisya bawat isang tren ng LRT at MRT upang magbantay sa mga sakay nito laban sa mga mandurukot at posibleng pag-atake ng mga terorista.

Kalimitan na sa mga pintuan nagaganap ang pandurukot dahil sa siksikan ng mga pasaherong pumapasok at lumalabas ng tren. Dito rin pumupuwesto ang mga miyembro ng "Ipit-Gang" na namimiyesta sa pagtangay ng mga pitaka at cellphone ng mga pasahero.

Ang lahat ng pulis na matatalagang magbabantay sa LRT at MRT ay magtataglay ng opisyal na patch ng NCRPO.

Bilang kapalit, payag naman ang LRTA at MRTA na pasakayin ng libre ang lahat ng miyembro ng NCRPO kung nakakumpletong uniporme ang mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

ADMINISTRATOR TEODORO CRUZ

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

EDGARDO AGLIPAY

GENERAL MANAGER MARIO MIRANDA

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MEMORANDUM OF AGREEMENT

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with