^

Metro

Asawa ng retired general ng AFP natangayan ng P .5-M habang nag-e-exercise

-
Laking panlulumo ng isang asawa ng retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos na tangayin ng hindi pa kilalang suspek ang kanyang bag na naglalaman ng mahigit na P.5 M sa loob ng kanyang locker habang siya ay nag-e-exercise sa isang fitness center sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Meliza Cacanando,asawa ng dating chief ng SOUTHCOM at residente ng Kalayaan Village,Kalayaan Avenue,Brgy.West Rembo.

Sa imbestigasyon ni PO1 Arnel Noriega,ng Theft and Robbery Section,dakong alas-7 ng gabi ay katatapos lang na mag-e-exercise ang biktima sa Slimmer's World na matatagpuan sa Pasay Road.

Nang punatahan nito ang kanyang locker para umuwi ay nakita niyang ito ay puwersahang sinira at wala na ang kanyang bag na itim na naglalaman ng mga alahas,cellphone,gold bracelet at pera na umaabot sa may kabuuang halaga na kalahating milyong piso.

Malaki ang hinala ng pulisya na matagal nang sinusubaybayan ng hindi pa kilalang suspek na maaaring isa rin sa kustomer ng Slimmer's World ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARNEL NORIEGA

KALAYAAN AVENUE

KALAYAAN VILLAGE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MELIZA CACANANDO

PASAY ROAD

THEFT AND ROBBERY SECTION

WEST REMBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with