^

Metro

Kissing sa kotse binawal ng MMDA, CHR umangal

-
Tinuligsa ng pamunuan ng Commission on Human Rights (CHR) si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos kaugnay sa plano nitong ipagbawal ang paghahalikan sa loob ng kotse.

Sinabi ni CHR Chairman Aurora Recina,paglabag sa karapatang pantao ang plano ng MMDA dahil ang paghalik ng isang tao ay masyadong personal na usapin.

"It violates the right to hapiness of a person... dapat inisip muna niya ang planong iyan bago ipatupad... napakababaw namang isyu yan.. siguro ayusin na lang yung pagdidisiplina sa mga motorista na mag-violate sa batas trapiko" pahayag ni Recina.

Dinagdag pa ni Recina na dapat na liwanaging mabuti ni Abalos ang nasabing patakaran kung hindi puwedeng maghalikan habang nagmamaneho dahil baka maaksidente pero kung nakahinto naman ang sasakyan kahit pa umano torrid kissing ay karapatan yan ng bawat tao.

Nanawagan ang CHR sa MMDA na bigyang pansin na lamang ang aspeto sa pamamahala kung paano maiibsan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila at hindi ang pagsagasa sa karapatan ng isang mamamayan. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

ABALOS

ANGIE DELA CRUZ

CHAIRMAN AURORA RECINA

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

DINAGDAG

HUMAN RIGHTS

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NANAWAGAN

RECINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with