Ito ang paglilinaw kahapon ni Department of Agriculture (DA) Secretary Leonardo Montemayor kaugnay sa patuloy na pananalanta ng sakit na bird flu sa mga alagang manok sa US.
Ayon kay Montemayor,lokal na manok ang ibinebenta ng mga fast food chain sa bansa kaya hindi dapat mag-alala ang mamamayan ukol sa nasabing sakit.
Sa kasalukuyan ay nananatiling ban ang pag-iimport ng bansa sa lahat ng produktong manok mula sa US dahil sa laganap ang birds flu doon.
Ang lahat ng entry points sa bansa tulad ng daungan at paliparan ay binabantayan ng mga tauhan ng quarantine division upang hindi makapasok ang mga manok mula sa US. (Ulat ni Angie Dela Cruz)