Ang nasawi habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center ay nakilalang si Lyka Oblina, ng Area B,Sitio Veterans,Brgy.Silangan ng nasabing lunsod.
Ilan naman sa nakaratay pa sa nasabing pagamutan ay nakilalang sina Avelino Oblina,31; Soledad Obilo,28; Mark Anthony Balimbingan,7 habang ang iba naman ay pinalabas na ng ospital matapos na magamot at matiyak ng mga doktor na ito ay ligtas na sa panganib.
Batay sa pahayag ni QC health department chief Dr. Ma. Paz Ugalde na ang kinaing longganisa ng mga biktima ay mula sa mga basurero na nakapulot sa isang kaing na naglalaman ng mga longganisa,mangga sa isang talipapa sa Luzon public market na ipinamahagi sa mga biktima.
Nakita umano ng mga basurero dakong alas-10 ng umaga ang nasabing kaing na naglalaman ng humigit kumulang na anim na kilong longganisa habang naghahakot ng mga basura.
Sa laki ng panghihinayang na itapon ang mga longganisa ito ay kanilang inuwi at ipinamahagi sa kanilang mga kapitbahay.
Ayon sa mga naging biktima na hindi naman umano sira ang longganisa dahil hindi naman ito maasim nang ito ay kanilang kainin dakong alas-8 ng gabi.
Subalit pagkalipas ng isang oras ay nakaramdam na ang mga biktima ng pagkahilo at pagsusuka.
Ipinadala ng QC health department ang ilang pirasong longganisa sa Bureau of Food and Drugs (BFAD)upang malaman kung ano ang nakalason sa mga biktima. (Ulat nina Jhay Mejias at Doris Franche)