Hepe ng Las Piñas PNP sinibak sa over-staying

Sinibak sa puwesto kahapon ang hepe ng Las Piñas City Police, dahil umano sa pagiging ‘‘over-staying’’ nito.

Si Supt. Pete Sanson ay inalis sa puwesto ni Southern Police District Director, Chief Supt. Jose Gutierrez bilang hepe ng Las Piñas City Police.

Ang pag-alis kay Sanson ay dahil sa umano’y pagiging over-staying at kakulangan nito sa training.

Si Sanson ay pinalitan ni Supt. Armando Pineda, dating hepe ng Station Investigation Division, bilang Officer-In-Charge ng nabanggit na headquarters.

Sa ngayon si Sanson ay nasa ‘‘floating status’’ at nakatalaga sa SPD.

Isang turn-over ceremony ang isinagawa kahapon sa nabanggit na headquarters. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

Show comments