Binyagan nauwi sa riot, ninong todas; 2 pa grabe
February 5, 2002 | 12:00am
Isang 30-anyos na lalaki na nag-ninong sa binyag ang namatay samantalang dalawang iba pa ang nasugatan nang paulanan ng bala ng baril ng sampung kalalakihang bisita ng una sa isang binyagan kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Nakilala ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Bernardino Hospital na si Joe Gaton ng Sampaguita St., Brgy. Gulod Novaliches bunga ng multiple gunshot wounds samantalang patuloy na nasa kritikal na kundisyon sa nasabing pagamutan sina Eduardo Tagum, 29 at Barry Austria, 27 anyos, residente ng nabanggit na lugar.
Agad namang naaresto ng mga rumespondeng miyembro ng Central Police District (CPD) ang mga itinuturong suspect na sina Romeo Ilisan, 37, Jonathan Ticson 27, Jomain Ilisan, 30, Reynante Payas, 30, Ronald Encinas, 25, Jessie Michael Prudente, 29, Elfredo Ilisan, 27, Jaime Encinas, 31, Rudy Castro, 42 at Agustin Enato, 34, pawang residente ng nabanggit na lugar at bisita sa nabanggit na okasyon.
Nabatid sa Criminal Investigation Division ng QC police, naganap ang pamamaril dakong alas-12:30 ng madaling araw sa nagkaisang Nayon sa nabanggit na lugar.
Pauwi na umano noong panahong iyon ang mga biktima matapos na magpaalam nang walang anu-ano ay bigla na lamang nagpaulan ng bala ng baril ang nabanggit na mga suspect sa hindi malamang dahilan.
Ang mga suspect ay kasalukuyang nakapiit sa CPD detention cell habang hinahanda ang kasong homicide at frustrated homicide laban sa mga ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended