Vicencio at Yambao nag-iiringan
February 4, 2002 | 12:00am
Umalis sa puwesto bilang pinuno ng Malabon Drug Council (MADAC) ang Vice Mayor ng Malabon dahil sa umanoy pagputol sa nakalaang budget sa kanyang tanggapan ni Malabon Mayor Amado Vicencio.
Sinabi ni Vice Mayor Jayjay Yambao, unti-unti na umanong napapabayaan at hindi natutugunan ang mga pangangailangan ng nasabing tanggapan dahil matagal-tagal na umanong naiipit ang pagbibigay ng P100,000 budget nito.
Ayon kay Yambao, minabuti niyang umalis sa puwesto bilang pinuno ng MADAC para hindi ito tuluyang mapabayaan at nakatakda siyang magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.
Samantala, sinabi ni Vicencio na kasinungalingan ang mga pahayag ni Yambao at hindi niya maaring bitinin ang pagpapalabas ng pondo sa MADAC dahil wala pang pera ang munisipyo para dito.
Nagkaroon ng iringan ang dalawang opisyal ng kuwestiyunin ni Yambao ang umanoy pakikialam ni Vicencio para agad aprubahan ang 2002 budget ng lungsod na nagkakahalaga ng P357 million.
Suportado ni Yambao ang gagawing petisyon ng mga minority block sa pangunguna nina Councilors Chiqui Roque-Villaroel at Eddie Torres para pigilan ang pag-apruba sa nasabing budget.
Sa tatlong pahinang memorandum na ipinakita ni Yambao, nakasaad dito ang paghahanda nito na kasuhan si Vicencio laban sa pakikialam sa pag-apruba ng nasabing pondo.
Iginiit nina Roque at Torres na tanging hiling lang nila ang makita ang mga dokumento para malaman ang patutunguhan ng pondo dahil pera ng bayan ang pinagtatalunan ng mga ito at para masiguro na hindi sa sariling bulsa ito papasok. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest