Sa ulat ni P/Supt. Moises Tullao, OIC ng 2nd Regional Aviation Security Office (RASO) kay C/Supt. Marcelo S. Ele Jr., hepe ng PNP-ASG, nakatakdang dalhin ang mga kahon patungong Iloilo sakay ng Cebu Pacific nang masakote ng mga awtoridad.
Ang mga kargamento ay ipinadala umano ng isang nagngangalang Joel Bacli ng Binondo, Manila sa AP-Cargo Logistics Network at naka-consign sa isang Jerry Chua ng Amigo Plaza, Iloilo City, sa ilalim ng airway bill #34710.
Ang epektos ay natuklasan ni Amparo Semilla, isang non-uniformed personnel na nakatalaga bilang x-ray operator. Kasalukuyan umanong dumadaan ang mga ito sa x-ray nang mapansin ni Ms. Semilla ang laman.
Ipinaalam ni Semilla ang natuklasan kay Insp. Wendellyn Barriga na inutos ang pagbubukas nito at natuklasan ang mga spare parts na nakabalot sa mga damit.
Nabatid na ang kargamento ay kinuha ni Dionisio Palic Jr. at Ricardo Ramos Jr., driver at checker ng naturang kumpanya sa Fortune Hotel sa Binondo dakong alas-9 ng gabi sa utos naman ni Michael Ileto, dispatcher ng AP Cargo. (Ulat ni Butch Quejada)