^

Metro

Spare parts ng mga baril nasabat sa airport

-
Limang kahon ng iba’t ibang spare parts ng baril na tangkang ipuslit ng mga hinihinalang miyembro ng un-running syndicate ang nasabat ng mga kagawad ng Police Aviation Security Group (PNP-ASG) sa Manila Domestic Airport, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Supt. Moises Tullao, OIC ng 2nd Regional Aviation Security Office (RASO) kay C/Supt. Marcelo S. Ele Jr., hepe ng PNP-ASG, nakatakdang dalhin ang mga kahon patungong Iloilo sakay ng Cebu Pacific nang masakote ng mga awtoridad.

Ang mga kargamento ay ipinadala umano ng isang nagngangalang Joel Bacli ng Binondo, Manila sa AP-Cargo Logistics Network at naka-consign sa isang Jerry Chua ng Amigo Plaza, Iloilo City, sa ilalim ng airway bill #34710.

Ang epektos ay natuklasan ni Amparo Semilla, isang non-uniformed personnel na nakatalaga bilang x-ray operator. Kasalukuyan umanong dumadaan ang mga ito sa x-ray nang mapansin ni Ms. Semilla ang laman.

Ipinaalam ni Semilla ang natuklasan kay Insp. Wendellyn Barriga na inutos ang pagbubukas nito at natuklasan ang mga spare parts na nakabalot sa mga damit.

Nabatid na ang kargamento ay kinuha ni Dionisio Palic Jr. at Ricardo Ramos Jr., driver at checker ng naturang kumpanya sa Fortune Hotel sa Binondo dakong alas-9 ng gabi sa utos naman ni Michael Ileto, dispatcher ng AP Cargo. (Ulat ni Butch Quejada)

AMIGO PLAZA

AMPARO SEMILLA

BINONDO

BUTCH QUEJADA

CARGO LOGISTICS NETWORK

CEBU PACIFIC

DIONISIO PALIC JR.

ELE JR.

FORTUNE HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with