2 pang suspect sa Tsinoy murder, tinutugis

Bagaman nakaratay sa pagamutan ang isa sa sugatang suspect, wala itong nagawa nang ipalarawan kahapon ang dalawang kasamahan sa pananambang sa negosyanteng Tsinoy sa Binondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Nagtungo kahapon si Det. Alfredo Salazar ng Western Police District Section sa Jose Reyes Memorial Medical Center upang personal na kuhanan ng pahayag ang isa sa suspect na nakaratay na si Decoroso Pamesa, ng Blk. 60 Lot 10 Upper Bicutan, Taguig hinggil sa nasabing kaso.

Nakatakda namang ipalabas ang cartographic sketch ng dalawa pang suspect na sinasabing kasama sa bumaril at pumatay sa may-ari ng Manila Downtown Shooters Association na si David Sy, 35, ng Elcano St., Binondo, matapos na tambangan nina Pamesa habang naglalakad ito dakong alas-2 ng hapon kamakalawa sa panulukan ng San Fernando at Elcano Sts., Binondo. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments