2 holdaper nilamog ng taumbayan
January 30, 2002 | 12:00am
Bugbog-sarado sa taumbayan ang inabot ng dalawang holdaper nang kuyugin ang mga ito matapos ang ginawang panghoholdap sa isang taxi driver sa Paco,Maynila kahapon ng madaling araw.
Halos nalamog ang buong katawan ng mga suspek na sina Sammy Dacanay,18 at Ruben Oblino,19 kapwa binata at residente ng 1686 Western Quirino Avenue,Paco.
Sa pagsisiyasat ni SPO1 Ranilo Ramos ng WPD station 10 na bandang ala-1 ng madaling araw nang holdapin ng mga ito si Noel Sarmiento,42,residente ng Gulod,Novaliches,Quezon City.
Sumakay ang mga suspek sa taxi(PXP-162) ni Sarmiento sa may Edsa,Pasay City at nagpahatid sa Paco.
Pagdating sa may Mendoza St., ay nagpahayag ng holdap ang mga suspek at tinutukan ng patalim at kinuha ang kinita nito sa pamamasada na P 1,150.
Matapos na makulimbat ng mga suspek ang pera ay agad na nagsitakas,subalit bumaba agad ng taxi si Sarmiento at nagsisigaw na humingi ng tulong sa mga taong nakatambay.
Agad na hinabol ng mga tambay ang dalawang suspek at nang maabutan ay natanggap ng mga ito ang ibat-ibang uri ng suntok at sipa. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended