Japanese swindler pinigil sa airport sa pekeng bilyong dolyar
January 29, 2002 | 12:00am
Isang hinihinalang Japanese big-time swindler ang hinuli ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security group (PNP-ASG) at ng Bureau of Customs matapos nilang madiskubre ang ibat ibang uri ng mga pekeng US treasury notes habang magtse-check-out sa NAIA Centennial 2, patungong Nagoya, Japan, kahapon.
Kinilala ni PNP-ASG director Marcelo Ele Jr. ang suspect na si Inoue Hirohito, na may dalang bilyun-bilyong halaga ng mga pekeng US treasury notes.
Nagduda ang mga awtoridad sa airport nang ayaw pabuksan ni Hirohito ang kanyang dalang attache case na bomba ang laman nito dahil kulay itim ang loob nito nang dumaan sa x-ray machine.
Dahil dito, nagpakuha ng K-9 sniffing dog si Ele para alamin kung may bomba ang nasabing bagahe.
"Inupuan ng aso at may indikasyon na positibo sa bomba ang bagahe ni Hirohito kaya napilitan kaming ilayo ito sa airport para sapilitang buksan pero iba ang tumambad sa anim, mga US federal notes," ani Ele.
Kakasuhan si Hirohito dahil sa pag-iingat ng fake bank notes. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest