OFW na nanood ng bilyar, tinodas
January 28, 2002 | 12:00am
Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang isang bagong dating na Overseas Filipi- no Worker (OFW) dahil sa tinamong mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan mula sa tatlong kalalakihan na kumursunada dito habang ito ay nanonood ng bilyar kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ang nasawi ay nakilalang si Edwin Flores, 33, ng 1st Avenue, Camp Crame.
Agad na naaresto ang isa sa tatlong suspek na si Manuel Mercado, habang ang kasamahan nitong sina Castro Lexmillionic at Ramon Muñoz ay pinaghahanap ng pulisya.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi ay napadaan umano ang biktima sa isang bilyaran na malapit lang sa kanyang bahay.
Sandaling nanood ang biktima ngunit lingid sa kaalaman nito na may balak na masama ang mga suspek.
Nilapitan ng mga suspek ang biktima at agad na inundayan ng mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Kahit na may tama ng mga saksak si Flores ay nagawa nitong matakasan ang mga suspek ngunit ilang metro pa lamang itong nakakalayo ay bumagsak na ito sa kalye. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am