^

Metro

Pulis nabaril ang nobya, patay

-
Aksidenteng napatay umano ng isang pulis ang kanyang kasintahan matapos na pumutok ang baril nito dahil sa kanilang pag-aagawan kung saan tinamaan ang biktima sa dibdib, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Mandaluyong City General Hospital ang biktimang si Rowena Coronado, 28, ng #28 13th Avenue, Quezon City.

Nasa kustodya ngayon ng Mandaluyong Police ang suspect na si PO2 Joseph Antiporda, 35, nakatalaga sa Traffic Management Group-Intelligence Division ng Camp Crame.

Isang pagtatalo ang naganap sa magkasintahan. Sinabi ni Antiporda na bigla umanong kinuha ni Coronado ang kanyang service pistol na kalibre .45 sa ilalim ng unan at biglang itinutok sa kanya.

Maagap namang nahawakan ng suspect ang kamay ng biktima hanggang sa tuluyang magpambuno ang dalawa. Dito umano nakalabit ng biktima ang gatilyo ng baril na aksidenteng tumama sa dibdib nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AKSIDENTENG

ANTIPORDA

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

JOSEPH ANTIPORDA

MANDALUYONG CITY GENERAL HOSPITAL

MANDALUYONG POLICE

QUEZON CITY

ROWENA CORONADO

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP-INTELLIGENCE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with