Ginang tiklo sa droga na nakaipit sa ari
January 26, 2002 | 12:00am
Isang ginang ang hindi lumusot sa tauhan ng Central Police District Office (CPDO) makaraang makumpiskahan ng 2 bulto (katumbas ng 10 gramo) ng ipinagbabawal na droga sa loob ng kanyang ari nang imbitahan ito para sa isang imbestigasyon sa Quezon City.
Kinilala ni Supt. Cecilio Aguilar, hepe ng CPD Station 2 si Tess Mendoza, 30, ng #41 Santiago St., Brgy. San Francisco del Monte, Quezon City.
Nakuha sa pag-iingat ni Mendoza ang may 10 gramo ng hinihinalang methampethamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng mahigit P10,000.
Nauna rito, nakatangap ng impormasyon ang Baler Police Station hinggil sa isang babae na kasama ang dalawang batang lalaki at kumuha ng droga sa isang big-time drug pusher sa naturang lugar.
Dahil dito, tinungo ng pulisya ang naturang bahay ng ginang dakong alas-9 ng gabi at kanila itong inimbitahan sa kanilang himpilan upang imbestigahan at kapkapan, batay na rin sa nakuhang impormasyon na may dalang shabu ang ginang.
Dahil bawal sa isang pulis na lalaki ang kumapkap sa isang babae ay naghanap muna ang mga pulis ng policewoman na kakapkap sa suspect.
Habang wala ang mga pulis na humuli kay Mendoza ay sinamantala ng suspect na ipasok sa kanyang puwerta at itago ang naturang shabu.
Pagbalik umano ng mga pulis ay wala silang nakuhang policewoman kung kaya kumuha sila ng tatlong presong babae na siya nilang inutusan para kapkapan ang babae.
Nagtaka ang tatlong preso nang mapansin silang nakalawit na plastic sa ari ng ginang habang kinakapkapan nila ang ito at nang kanilang hugutin ay nakuha ang isang bulto ng shabu.
Kasalukuyang nakakulong ang ginang sa nasabing himpilan at nakatakdang sampahan ng kasong illegal possession of prohibited drugs sa Quezon City Prosecutors Office. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended