Bank executive inambush
January 26, 2002 | 12:00am
Hinihinalang problema sa kompanya ang motibo ng pananambang sa isang bise-presidente ng isang sangay ng banko at sa kanyang pinsan na kapwa Filipino-Chinese, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.
Nasa kritikal na sitwasyon pa rin sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Simon Ong, 46, bise presidente ng Philippine Bank of Communications (PBCom) Makati branch, ng #844 San Pablo St., Brgy. Plainview, Mandaluyong sa tinamong apat na tama ng kalibre .9mm.
Ligtas naman sa kapahamakan ang kasamang si Antonio Ong, 46, executive ng Westmont Investment Corp. at residente ng Salcedo Village, Makati City.
Sa ulat ni SPO1 Bayani Prianes, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling-araw sa panulukan ng Ginhawa at Kayumanggi sts. sa Brgy. Barangka, ng lungsod na ito.
Galing ang dalawa sa ibinigay na despedida party ni Simon sa isa sa mga tauhan nito na nag-resign sa trabaho. Lulan ang dalawa ng Nissan Sentra nang biglang tumapat sa kanila ang isang motorsiklong Enduro sakay ang dalawang hindi nakilalang lalaki.
Naglabas ng baril ang dalawang suspect at sunud-sunod na pinaputukan ang magpinsan sa loob ng kotse. Mabilis na tumakas ang mga ito matapos ang pamamaril. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended