Holdaper todas, 2 kasama timbog
January 25, 2002 | 12:00am
Isang holdaper ang napatay habang dalawang kasamahan nito ang nadakip makaraang makipagbarilan sa mga nagrespondeng mga tauhan ng Central Police District, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Kinilala ni Supt. Cecilio Aguilar, hepe ng Baler Police Station-2 ng CPD ang nasawing holdaper na si Melchor de la Torre, 23, ng Agham Road, Barangay Bagong Pag-Asa, Quezon City.
Hindi na ito umabot ng buhay sa QC General Hospital sanhi ng tinamong isang tama ng bala sa katawan.
Kasalukuyan namang nakapiit sa nasabing himpilan ang dalawa pang suspect na sina Ramces Quisado, 23, at Pacito Villason, 32, kapitbahay ng nasawing holdaper.
Sa imbestigasyon ni SPO4 Roger Bartolome, may hawak ng kaso, dakong alas-5:30 ng madaling araw habang nag-iisang nag-aabang ng masasakyan papauwi ang biktimang si Jessie Fernandez, 27, ng #99 Abra St. Brgy. Ramon Magsaysay, Quezon City, nang lapitan siya ng tatlong holdaper na armando ng baril at balisong.
Nagdeklara ng holdap ang tatlong suspect,tinutukan ng baril at balisong ang biktima at nilimas ang mga gamit nito.
Habang papatakas ang suspect ay namataan sila ng mga nagpapatrulyang pulis at nang papalapit ang mga parak ay pinaputukan na sila ng mga suspect hanggang sa magkapalitan ng putok na ikinasawi ng isa at agad na naaresto sina Quisado at Villason. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended