Kinilala ni BoC-NAIA District Collector Celso Templo ang pasaherong nagpasok ng mga highly-expensive na sasabunging tandang at inahin na si Castor Rama Olario, Filipino-American na tubong Cebu City.
Ayon kay Templo, pinigilan ng mga awtoridad na maipasok ni Olario ang mga dala nitong fighting cocks makaraang matuklasang "expired" ang import permit nito.
Si Olario, bitbit ang bagaheng naglalaman ng may 23 fighting cocks at 17 imported na inahin ay dumating sa NAIA Centennial Terminal 2 lulan ng PAL flight PR-103 mula Los Angeles, California.
"Nilabag ng pasahero ang ipinatutupad na BAI laws. At nagtataka kami kung bakit nito naisakay sa eroplano via check-in baggage ang mga live animals na dapat ay idating sa bansa sa pamamagitan ng cargo shipment," ani Dave Catbagan, BAI-NAIA director.
Batay naman sa imbestigasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service, nakumpirma na ang mga fighting cocks ay kabilang sa mga transhipment baggage na patungong Cebu City at hindi check-in baggage. (Ulat ni Butch Quejada)