^

Metro

British na illegal alien inaresto

-
Kasong direct assault against persons in authority ang ipinagharap kahapon ng Bureau of Immigration (BI) laban sa isang British national na ilegal na nananatili sa bansa na nanakit at nanugat ng dalawang ahente ng kawanihan nang manlaban ito habang inaaresto.

Ipinag-utos ni Immigration Commissioner Andrea Domingo ang pagsasampa ng kaso laban kay Patrick Thomas Richardson, 41, na nakakulong sa BI jail, Bicutan, Taguig. Ang suspect ay naaresto noong Lunes nang mapatunayang ilegal ang pananatili sa bansa at nagtatrabaho nang walang kaukulang permit.

Ani Domingo, bukod sa kasong kriminal, si Richardson ay nahaharap din sa kasong deportation dahil sa ilegal na pagtatrabaho bilang manager ng London House of Perfumes, Inc., isang kompanya na nakabase sa Legaspi Village, Makati City.

Idinagdag ni Domingo na si Richardson ay nagtatrabaho sa nasabing kompanya sa kabila na ito’y isang turista lamang sa bansa at hindi kumuha ng work permit at visa sa Dept. of Labor and Employment (DOLE).

Nabatid na sa halip sumama nang maayos sa kanyang arresting officers mula BI ay nanlaban ang suspect at sinugod ang BI agents na sina Ansari Macaayan at Homer Reyes. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANI DOMINGO

ANSARI MACAAYAN

BUREAU OF IMMIGRATION

ELLEN FERNANDO

HOMER REYES

IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

LABOR AND EMPLOYMENT

LEGASPI VILLAGE

LONDON HOUSE OF PERFUMES

MAKATI CITY

PATRICK THOMAS RICHARDSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with