Ginang na praning sa tsismis hinostage ang anak at kalaro
January 23, 2002 | 12:00am
Hinostage ng isang ginang ang kanyang limang-taong gulang na anak at kalaro nito sa kanilang bahay dahil sa tsismis ng mga kapitbahay kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Kinilala ni Supt. Ernesto Fojas, hepe ng Malabon Police ang suspect na si Malou Chavez, 27, ng Gulayan St., Brgy. Catmon, nasabing lungsod, samantalang nailigtas naman ang mga biktimang sina Christian Chavez at Arnel Libot, 4.
Sa imbestigasyon ni PO2 Redentor Mantala, dakong alas-8 ng gabi nang simulang i-hostage ni Chavez ang anak at kalaro nito.
Kasalukuyang natutulog ang dalawang bata sa loob ng bahay nang bigla na lamang tunguhin ng suspect at tangan ang isang patalim ay hinostage ang mga biktima.
Tumagal ng halos tatlong oras ang hostage-drama hanggang sa makakita ng pagkakataon ang mga pulis at dinamba ang suspect. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended