Taxi driver tinodas ng 4 kapatid

Napatay ang isang 30-anyos na taxi driver habang nasa malubhang kalagayan ang kasama nito makaraang pagtulungang bugbugin at pagsasaksakin ng apat na magkakapatid at ng bayaw ng mga ito kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay si Calixto Masalta, ng J-9 Cmpd. Brgy. Upper Bicutan, Banlat, Quezon City sa Lanting General Hospital.

Samantala, nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang kasama ng biktima na nakilala lamang sa alyas "Nick".

Kaagad namang naaresto ang magkakapatid na suspect na sina Miguel, 35; Juanito, 27; Danilo, 42; at Ernesto Sayco, 46, ng Brgy. Upper Banlat, Q.C. Patuloy namang tinutugis ang isa pang suspect na nakilala lamang sa alyas na ‘Baba’.

Sa imbestigasyon ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CIU), naganap ang insidente dakong 9:30 ng gabi sa basketball court, di kalayuan sa bahay ng mga suspect nang pagtulungang bugbugin at saksakin ang biktima at ang isa pang kasamahan nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments