Sinabi ni LRT administrator Teddy Cruz na hindi nila ibinalik ang mga bayad ng mga pasahero dahil maaaring magamit ng mga commuters ang tickets na di napakinabangan dahil sa blackout sa susunod nilang pagsakay.
Taliwas naman ang MRT dahil ibinalik nito ang bayad ng naapektuhang mga commuters.
Tinatayang umabot ng mahigit 10,000 ang naipit sa LRT at MRT stations dahil sa biglang pagkawala ng kuryente. Napilitang bumaba ng tren at maglakad sa riles ang mga commuters patungo sa pinakamalapit na istasyon.
Makaraang maibalik ang kuryente dakong alas-4:30 ng hapon, nagdagdag naman ng coaches ang MRT upang maihatid ang mga na-stranded na pasahero na hindi bumaba. (Ulat ni Danilo Garcia)