^

Metro

Libu-libong commuters ng MRT/LRT na-stranded dahil sa blackout

-
Muli na namang nagsagawa ng fare refunds ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sa libu-libong pasaherong na-stranded dahil sa Luzon-wide power outage.

Sinabi ni LRT administrator Teddy Cruz na hindi nila ibinalik ang mga bayad ng mga pasahero dahil maaaring magamit ng mga commuters ang tickets na di napakinabangan dahil sa blackout sa susunod nilang pagsakay.

Taliwas naman ang MRT dahil ibinalik nito ang bayad ng naapektuhang mga commuters.

Tinatayang umabot ng mahigit 10,000 ang naipit sa LRT at MRT stations dahil sa biglang pagkawala ng kuryente. Napilitang bumaba ng tren at maglakad sa riles ang mga commuters patungo sa pinakamalapit na istasyon.

Makaraang maibalik ang kuryente dakong alas-4:30 ng hapon, nagdagdag naman ng coaches ang MRT upang maihatid ang mga na-stranded na pasahero na hindi bumaba. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

LIGHT RAIL TRANSIT

LUZON

MAKARAANG

METRO RAIL TRANSIT

MULI

NAPILITANG

SINABI

TEDDY CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with