^

Metro

Dalagita pinilahan ng apat

-
Isang 13-anyos na dalagita ang halinhinang ginahasa ng apat na kabataang lalaki na lasing sa gin pomelo kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Ang mga suspect na sina Marlon Magbanua, 18; Alexander Betchachani, 20; at dalawa pang kabataan na itinago sa pangalang Dennis, 13; at Jeffrey, 16, pawang mga residente ng Compound I, Sitio Cabanatuan ng nasabing lungsod ay positibong itinuro ng biktimang si Amy (hindi tunay na pangalan), 2nd year high school, na siyang gumahasa sa kanya.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa bahay ni Betchachani ilang metro ang layo sa tahanan ng mga suspect.

Bago naganap ang insidente, nagtungo ang biktima sa kaibigang si Daisy subalit hindi nito nadatnan ang huli kung kaya nagpasya itong magtungo na lamang sa bahay ng boyfriend ni Daisy na si Jeffrey.

Pitong kalalakihan ang naabutan umano ng biktima sa bahay ni Jeffrey na nag-iinuman ng gin pomelo at habang hinihintay ang kaibigan ay umupo na lamang ito.

Subalit makalipas ang ilang oras ay nalasing ang grupo at pilit na niyaya ng apat na suspect ang biktima sa bahay ni Betchachani at dito halinhinang ginahasa.

Matapos na mailugso ang puri ng biktima, agad na nagsumbong ito sa kanyang tiyahin na siyang sumama sa kanya sa himpilan ng pulisya upang magreklamo kasunod ng pagkakaaresto sa apat na suspect. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALEXANDER BETCHACHANI

BETCHACHANI

COMPOUND I

GEMMA AMARGO

ISANG

JEFFREY

MARLON MAGBANUA

MATAPOS

SITIO CABANATUAN

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with