Bomba sa Taguig: 2 katao dedo
January 21, 2002 | 12:00am
Dalawa katao ang nasawi matapos sumabog ang isang bomba kahapon ng umaga sa bayan ng Taguig.
Kinilala ni C/Insp. Rolando Migano, commander ng Police Community Precinct (PCP) 3 ng Taguig Police, ang mga biktima na sina Rodolfo Villamin, 6, at ang stepfather nitong si Cesar Al Saivar, 40, kapwa ng #112 Gutierrez Compound, 2nd Avenue, Carlo Drive, Brgy. Bagong Bayan ng bayang nabanggit.
Hindi na makilala at nagkagutay-gutay ang katawan ni Al Saivar matapos na masabugan ng bomba.
Ayon kay C/Insp. Migano, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng umaga sa isang bakanteng lote sa 2nd Avenue, Carlo Drive.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng Taguig Police, habang naghuhukay ang mag-amain ng nakatambak na lupa malapit sa kanilang tirahan ay bigla na lamang nakarinig ang mga residente roon ng malakas na pagsabog at nakita nilang wala nang buhay ang mga biktima.
Masusing iniimbestigahan ng pulisya kung ang nasabing bomba ay matagal nang nakatanim sa ilalim ng lupa na posibleng tinamaan habang naghuhukay ang mga biktima o kayay inilagay ito ng hindi pa kilalang suspect.
Dahil wala umanong makitang butas ang mga awtoridad kung ito ay nakatanim sa ilalim ng lupa at inaalam pa kung anong uri ng bomba ang sumabog.
Hanggang sa ngayon ay palaisipan pa sa pulisya ang naturang insidente at hindi naman nila kinumpirma kung ito ay may anggulong terorismo.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended