Kinilala ang nasawing si Orlando Ignacio, 27, vendor, ng 1017 Pedro Guevarra St., Sta. Cruz.
Kasalukuyang nakikipaglaban sa kamatayan sa Jose Reyes Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng kalibre 9mm at armalite ang mga sugatang sina Armando Limpio, 31, at Rosendo Pasok, 28, pawang vendor.
Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Virgo Villareal, ng WPD-Homicide Section, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa isang lamayan sa P. Guevarra St., Sta. Cruz.
Ayon sa mga saksi, isang nagngangalang Sandoval na umanoy tiyuhin ni Ignacio ang nagsimula ng kaguluhan sa lamay dahil sa lucky nine.
Makaraan ang rambulan, mabilis na tumakas si Sandoval at makalipas ang ilang saglit, dumating ang apat na suspect na pawang armado ng 9mm baril at armalite at hinahanap si Sandoval.
Nang hindi makita ang hinahanap, nagtungo ang apat na hinihinalang pulis sa bahay ni Pasok kung saan nanunuluyan sina Ignacio at Limpio.
Walang sabi-sabing niratrat ng mga suspect ang bahay kung saan nasawi agad si Ignacio.