^

Metro

4 parak namaril nang bahay; 1 patay, 2 kritikal

-
Isa ang nasawi at dalawa ang nasa kritikal na kalagayan makaraang pagbabarilin ng umano’y apat na pulis kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang nasawing si Orlando Ignacio, 27, vendor, ng 1017 Pedro Guevarra St., Sta. Cruz.

Kasalukuyang nakikipaglaban sa kamatayan sa Jose Reyes Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng kalibre 9mm at armalite ang mga sugatang sina Armando Limpio, 31, at Rosendo Pasok, 28, pawang vendor.

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Virgo Villareal, ng WPD-Homicide Section, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa isang lamayan sa P. Guevarra St., Sta. Cruz.

Ayon sa mga saksi, isang nagngangalang Sandoval na umano’y tiyuhin ni Ignacio ang nagsimula ng kaguluhan sa lamay dahil sa lucky nine.

Makaraan ang rambulan, mabilis na tumakas si Sandoval at makalipas ang ilang saglit, dumating ang apat na suspect na pawang armado ng 9mm baril at armalite at hinahanap si Sandoval.

Nang hindi makita ang hinahanap, nagtungo ang apat na hinihinalang pulis sa bahay ni Pasok kung saan nanunuluyan sina Ignacio at Limpio.

Walang sabi-sabing niratrat ng mga suspect ang bahay kung saan nasawi agad si Ignacio.

vuukle comment

ARMANDO LIMPIO

CRUZ

GUEVARRA ST.

HOMICIDE SECTION

IGNACIO

JOSE REYES HOSPITAL

ORLANDO IGNACIO

PEDRO GUEVARRA ST.

ROSENDO PASOK

SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with