^

Metro

Kamatayan at habambuhay sa nanghalay ng kumare

-
Hinatulan kahapon ng Pasig City Regional Trial Court ng kamatayan ang isang lalaki matapos na mapatunayang nagkasala sa panggagahasa sa kanyang kumare ng dalawang beses, halos tatlong taon na ang lumipas sa Pasig City.

Bukod dito, idinagdag pa sa hatol ni Judge Leili Acebo ng Branch 163 na makulong ng habambuhay ang akusadong si Leonardo Ilao, ng San Isidro, Batangs at bayaran ng kabuuang P100,000 ang kanyang biktimang si Zenaida Vargas.

Sa desisyon ni Acebo, mas binigyang-pansin nito ang umano’y malinaw na pagkilala ng biktima sa nanggahasa sa kanya na si Ilao noong Nob. 18, 1999.

Sa testimonya ng 12-anyos na si Rose, anak ng biktima at inaanak ng suspect, umuwi umano siya ng tanghali sa kanilang bahay kung saan naabutan niya ang suspect na si Ilao sa kanilang bahay.

Binigyan siya ng pera ng suspect upang bumili ng pagkain sa labas ngunit nang bumalik siya ay naabutan niyang hinahalikan ni Ilao ang kanyang ina habang nakatutok ang isang balisong. Dito umano siya hinatak ng suspect sa buhok at ipinasok din sa loob ng kuwarto bago ginahasa ang kanyang ina sa kanyang harapan.

Matapos ang krimen, tinakot sila ng suspect na huwag magsusumbong dahil papatayin nito ang buong pamilya at uunahin ang asawa ng biktimang si Ruben.

Muling naulit ang panggagahasa noong Dis. 9, 1999 nang kumatok umano ang suspect dakong alas-10:30 ng gabi at bigla siyang tutukang muli ng balisong sa leeg bago ipinasok sa kuwarto habang wala ang kanyang asawa.

Ibinasura naman ng korte ang alibi ni Ilao na nasa Batangas umano siya mula Nob. 17-19 at nag-aani ng prutas na chico. (Ulat ni Danilo Garcia)

ACEBO

BATANGAS

DANILO GARCIA

ILAO

JUDGE LEILI ACEBO

LEONARDO ILAO

PASIG CITY

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

SAN ISIDRO

ZENAIDA VARGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with