Lolo nilaslas ang leeg

Halos maputol ang ulo at mahiwalay sa katawan sa pagkakalaslas ng leeg ang isang lolo na natagpuang patay sa loob ng kanilang tahanan na hinihinalang pinasok ng mga magnanakaw kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang biktimang si Rizalino Mendoza, 85, biyudo ng Doña Juana St. E. Rodriguez Avenue, Brgy. Mariana, New Manila.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang bahay laslas ang leeg na hinalang pinagnakawan bago ito pinatay.

Ilan sa mga residente ang nakapunang bukas ang pintuan ng bahay ng biktima at nang siyasatin ay dito napansin ang duguang bangkay ng biktima na nakabulagta sa sahig at kaagad na inireport sa himpilan ng pulisya.

Sa ulat ng pulisya, na lumabas na ninakawan muna ang biktima bago ito pinatay dahil sa magulo ang bahay nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments