Make-up artist ni Sen. Loi pinatay ng house boy
January 18, 2002 | 12:00am
Pinatay sa saksak ang umanoy make-up artist ni Senadora Loi Ejercito-Estrada ng kanyang houseboy kamakalawa ng hapon sa Muntinlupa City.
Tinadtad nang saksak ng suspek na nakilala lamang sa pangalang Ryan, houseboy ang kanyang among si Frumencio Aniban, 53, binata ng Waterflow Condominium, West Service Road, Brgy. Sucat.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Angel Nieves na ang bangkay ni Aniban ay nadiskubre ng security guard ng nasabing condominium dakong alas-5:30 ng hapon.
Ayon sa pahayag ng security guard na tumangging magpabanggit ng pangalan na habang siya ay nagsasagawa ng pagro-roving sa ika-5 palapag ng building 3 ay napadaan siya sa inuupahan ng biktima.
Nagduda siya sa katahimikan na hindi naman nangyayari sa tuwing nandoon ang biktima, kayat napilitan siyang buksan ito.
Nang puntahan nito ang bedroom ay nakita ang duguang katawan ng biktima at wala ang kanyang houseboy.
May hinala si SPO2 Nieves, na si Aniban na umano ay matagal ng make-up artist ng senadora ay pinagnakawan muna bago ito pinatay.
Isa pang anggulo ang tinitingnan ng pulisya na kung ang biktima na isang bading ay mayroong relasyon sa suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended