17 taong hatol sa 2 Hip-Hop gang na pumatay sa balikbayan, 3 absuwelto
January 18, 2002 | 12:00am
Dalawa lamang sa limang miyembro ng Hip-Hop gang na akusado sa pagpatay sa balikbayan na sinasabing pamangkin ng isang executive ng ABS-CBN TV ang nahatulan ng reclusion temporal at inabsuwelto naman ang tatlong kasamahan nila sa kasong carnapping with homicide na naganap noong 1999.
Sa desisyon ni Manila Regional Trial Court Branch 38 Judge Priscilla Baltazar-Padilla, hinatulan nito sina Niño Vergel at si Timothy John Cashman na mabilanggo mula 10 hanggang 17 taon samantalang absuwelto sa kaso sina Mervin Mendoza, Dante Bansale, Eric Cayanan.
Matatandaang nangyari ang pagpaslang kay Edwin Joseph Lopez noong Agosto 17, bandang alas-5 ng umaga sa Roxas Blvd. habang sakay ng kanyang Starex van nang bigla itong harangin ng isang asul na kotse.
Mabilis umanong bumaba ang dalawang kabataang lalaki mula sa asul na kotse saka binaril si Lopez saka tinangay ang sasakyan nito patungong Cavite kung saan ay tatlong babae ang kanilang dinukot at umanoy halinhinang ginahasa ngunit hindi naman nag-prosper ang kaso dahil ni minsan ay hindi sumipot sa paglilitis ang mga sinasabing biktima.
At sa pagpapalabas ng desisyon, masama ang loob ng pamilya ni Lopez lalo na sa pagkaka-absuwelto ni Mendoza na ayon sa kanila ay siyang pinaka-utak ng grupo bukod pa sa kanya nakuha ang tinangay na Starex van ng biktima.
Maliban sa ipinataw na bilang ng taong pagkabilanggo. Inatasan din sina Cashman at Vergel na bayaran ang pamilya ng naging biktima sa krimen ng mga sumusunod na danyos katulad ng idemnity na halagang P60,000, actual damages na P48,766, hospital reimbursement na halagang P28,223,funeral reimbursement-P 20,000,moral damages- P P300,000 ,exemplary damages na P300,000,at loss expected earnings na halagang P16,000. (Ulat nina Andi Garcia at Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended