^

Metro

Akting ng De Rossi sisters pinagtalunan, 1 todas

-
Nasawi ang isang 25-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng mga kainuman dahil sa pagtatalo kung sino ang magaling na aktres kina Assunta at nakababatang kapatid na si Alessandra De Rossi sa pelikulang "Hubog", kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Tinadtad ng saksak sa kanyang katawan si Larry Iglesias alyas "Patod" na namatay din sa lugar ng pinangyarihan.

Sa ulat ng Central Police District Office-Criminal Investigation Unit (CPDO-CIU), naganap ang insidente dakong alas-2:50 ng madaling-araw sa likod ng Circle K Bldg., Garte Market, Samson Road, Quezon City.

Nakikipag-inuman si Iglesias sa suspect na hindi pa nakikilala nang makipagdebate ito sa istilo ng pag-arte ng magkapatid na parehong nagwagi sa kanilang pag-arte sa Metro Manila Film Festival.

Naging mainit ang debatehan at umabot sa pagbubunot ng patalim ng ka-debate ng biktima at pinagsasaksak ito.

Nahinto lamang ang pananaksak kay Iglesias nang makita ng suspect ang mga nagrespondeng tanod.

Agad nagsitakas ang mga ito matapos ang insidente. (Ulat ni Jhay Mejias)

ALESSANDRA DE ROSSI

ASSUNTA

CENTRAL POLICE DISTRICT OFFICE-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CIRCLE K BLDG

GARTE MARKET

JHAY MEJIAS

LARRY IGLESIAS

METRO MANILA FILM FESTIVAL

QUEZON CITY

SAMSON ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with