^

Metro

Abenina wala raw alam sa Cervantes murder

-
Humarap kahapon sa tanggapan ng Southern Police District Office (SPDO) si dating Land Transportation Office (LTO) chief, Ret. Gen. Edgardo Abenina, isa sa isinasangkot sa pagpatay kay Young Officers Union (YOU) spokesperson Lt. Baron Cervantes.

Sa naging pahayag ni Abenina ay mariing itinanggi at pinabulaanan nito na may kinalaman siya sa pagpaslang. Si Abenina ay humarap at nagbigay ng kanyang paliwanag dakong alas-10 kahapon ng umaga.

Matatandaan na si Cervantes ang isa umano sa nagbunyag ng ilang anomalya sa LTO noong panahon na si Abenina ang hepe nito.

Samantala, pinabulaanan ni Supt. Rafael Cardeno na may kinalaman siya sa pagpaslang kay Cervantes.

Ayon dito, hindi muna siya humarap sa pulisya dahil ayaw niyang pagpiyestahan ng media at masalang sa ‘trial by publicity’. Handa rin umano siyang sumailalim sa imbestigasyon hinggil sa naturang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ABENINA

AYON

BARON CERVANTES

EDGARDO ABENINA

HANDA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LORDETH BONILLA

RAFAEL CARDENO

SI ABENINA

SOUTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

YOUNG OFFICERS UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with