Ang biktima na nakilalang si Jose Toledo, ng 2856-B Road 4, Bareteo St., Pandacan, Maynila, ay hinihinalang inatake sa puso bunsod ng mga eksenang nagtatalik sa pelikulang pinalalabas sa Baron theater na nasa panulukan ng Trabajo at España sa Sampaloc.
Sa imbestigasyon ng Western Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi sa balcony section ng nabanggit na sinehan.
Nabatid na last full show nanood ang biktima at makaraang nag-aalisan ang mga nanood, napansin ng isang guwardiya na si Lucio Dulugan ang biktima na nahulog na sa kinauupuan.
Sa pag-aakalang nakatulog lamang, nilapitan ng security guard ang biktima upang gisingin ngunit sa kanyang pagkabigla ay hindi na ito humihinga.
Malaki ang hinala ng guwardiya na nagpaparaos sa sarili si Toledo habang nanonood ng maiinit na tagpo sa pelikula ni Veloso na naging dahilan ng biglaang atake sa puso at ikinasawi nito.
Iimbestigahan din ng pulisya kung may iba pang anggulo sa pagkamatay ng biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)