Matandang binata patay sa pelikula ni Via Veloso
January 16, 2002 | 12:00am
Isang 43-anyos na matandang binata ang namatay nang magsikip ang dibdib habang nanonood ng pelikula ni Via Veloso na "Hiyas sa Paraiso ng Kasalanan" sa Sampaloc, Maynila, ayon sa ulat.
Ang biktima na nakilalang si Jose Toledo, ng 2856-B Road 4, Bareteo St., Pandacan, Maynila, ay hinihinalang inatake sa puso bunsod ng mga eksenang nagtatalik sa pelikulang pinalalabas sa Baron theater na nasa panulukan ng Trabajo at España sa Sampaloc.
Sa imbestigasyon ng Western Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi sa balcony section ng nabanggit na sinehan.
Nabatid na last full show nanood ang biktima at makaraang nag-aalisan ang mga nanood, napansin ng isang guwardiya na si Lucio Dulugan ang biktima na nahulog na sa kinauupuan.
Sa pag-aakalang nakatulog lamang, nilapitan ng security guard ang biktima upang gisingin ngunit sa kanyang pagkabigla ay hindi na ito humihinga.
Malaki ang hinala ng guwardiya na nagpaparaos sa sarili si Toledo habang nanonood ng maiinit na tagpo sa pelikula ni Veloso na naging dahilan ng biglaang atake sa puso at ikinasawi nito.
Iimbestigahan din ng pulisya kung may iba pang anggulo sa pagkamatay ng biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended