Kinilala ni Western Police District-Homicide Section Chief Insp. Johnny Taluban ang biktima na si Alvin Evangelista, high school, ng 1237 Guevarra St., Sta. Cruz.
Bago naganap ang insidente, nabatid na ilang oras na sinermunan ng ama ang biktima at sinumbatan kaugnay sa napapabalitang sangkot ang anak sa sunud-sunod na kaguluhan sa kanilang lugar at ang pinakahuli ay ang partisipasyon umano nito sa naganap na holdapan sa isang grocery sa kanilang lugar. (Ulat ni Ellen Fernando)