Naaresto sa Manila City Hall ang suspect ilang minuto makalipas na dumalo sa pagdinig sa kanyang kaso si Shie Shiao Fung.
Si Shie na matagal nang sentro ng reklamo ng ilang mga Chinese nationals sa Manila Chinese district dahil na rin sa pag-ooperate nito kasama ang anak na si Jack Co ng isang herbal clinic at drug store nang walang kaukulang lisensiya at visa.
Bukod sa illegal na pagtatrabaho sa bansa, lumilitaw na si Shie ay inireklamo rin ng pangmo-molestiya ng ilang pasyente sa kanyang clinic na nasa Padilla St.
Ayon kay BI Commissioner Andrea Domingo, ang dayuhan ay gumagamit din ng ibat ibang alyas tulad ng Feng Xu Shao at Xu Shao Feng kayat nagagawa nitong makapanloko ng mga kapwa Intsik.
Nagpapanggap na isang doktor si Shie kayat nakapag-operate ng isang drug store sa Binondo.
Kasalukuyang nakapiit sa BI detention cell kung saan inilipat na rin ng bureau ang kaso sa Bureau of Food and Drugs para sa agarang pagpapasara ng tindahan nito. (Ulat ni Ellen Fernando)